Friday, October 8, 2010

how do i love thee(tagalog version)

Gaano kita iniibig? itulot mong isa isahin ko
Iniibig kita hanggang kataimtiman, kapalaran at kasukdulan
Ang aking kaluluwa'y kaya kang sapitin, kapag ang pandamdam ay naglaho na
para sa katapusan ng buhay at Huwarang pagpapala
Iniibig kita kahanay ng pangaraw- araw
ng pinakamayuming pangangailangan, ng araw at tanglawan.
Iniibig kita ng malaya, gaya ng pagpupunyagi ng sangkatauhan para sa
katarungan;
Iniibig kita ng dalisay, gaya ng pagbaling ng karamihan at kapurihan.
Iniibig kita gamit ang karubduban
Sa aking malaong pighati, katuwang ang aking musmos na
pananampalataya
Iniibig kita ng may pagsinta na tila ba ito'y maglalaho na!
Sa gabay ng aking pintakasi, iniibig kita ng may hininga,
Ngiti, Luha, lahat sa aking buhay! At kung itutulot ng Panginoon,
Mamarapatin kong mas maraming ibigin ka sa kabilang buhay.

Friday, September 24, 2010

"Kailan Ka Muling Magigisnan? “


Isang tanong ang laging nasa isipan
Isang tanong na hindi malaman ang kasagutan
Kasagutan na hangad kaagad na makamtan
Kailan ka muling magigisnan?

Ngayon ay di na kita makakasama
Dahil sa piling mo ay iba na
Bagkus buhay lagi sa aking alaala
Ang pagmamahalang pinagsaluhan
nating dalawa.

Ang muling magisnan ka ay
inaasam-asam parin
Makita kang muli at makapiling.
Ngunit kung ito hindi ipagkaloob
ng panahon sa akin
Ako’y patuloy pa rin na aasa sa
muli mong pagdating.

Hindi na ako ang nasa piling mo,
Subalit sa dalangin di ka mawawaglit.
Kaya’t sa iyo ay aking ipinapangako
Hindi ka lilimutin kahit ni isang saglit.

Pag- Ibig

Bakit nga ba kapag ang puso'y tumibok
Kahit na sino pa'y 'di makapanghihimasok? -
Bakit nga ba ang puso'y tila napakapusok
Harangan man ng sibat siguradong bubulusok? -
Bakit nga ba kapag ang puso ay umibig
Walang patumanggang titibok ang dibdib? -
Bakit nga ba ang dagundong ay nakakatulig
Tulad sa isang talon ang lagaslas ng tubig? -
Bakit nga ba sa pag-ibig ay walang pinipilì
Wala itong pagsisisi o pagbabakasakalì? -
Bakit ang pag-ibig, sadyang may itinatangì
Hindi kayang ipaliwanag at tapat ang minimithì? -
Ganyan ang tunay na umiibig, 'di nga ba?
May galak sa tuwina at tapat sa pagsinta!